Sunday, May 4, 2014

What are the kinds of work in Japan?



      First and foremost, let me just share what kind of work you will have in Japan. Most of the companies here are considered factories. Kahit gaano kalinis o maayos, basta hindi sya paper works o office work. Kaisha ang tawag kung saan nagtatrabaho ang mga Pilipino dito.Since ang Japan ay Industrial country,madalas dito ay electrical o car parts work. Ang lalaki ay madalas may welding,bihira na ang manual. Madalas tinatawag nilang robot ang nagtatrabaho. May nangangailangan din ng welding, pagbubuhat.May napupunta sa gemba. Ang gemba ay trabaho ng nasa labas ,wala sa loob ng kaisha katulad ng pagsemento,pang construction at iba pa. Ang trabahong pambabae naman ay karamihan nasa Sharp,Panasonic,Sony at iba pa. Madalas,kensa o Quality control inspection o assembly ang trabaho. May mga tao din napupunta sa housekeeping. Ang iba ay nakakapagtrabaho bilang caregivers.Ang mga walang lisensya na caregiver ay tinatawag na caregiver helpers. Madalas ,marunong ng magsalita at magbasa ng Nihonggo ( Japanese language) ang mga nasa trabahong ito.Maselan. ang mga Hapon. Kaya importante na alam mo makipag usap sa kanilang language. Madalas ,matanda at mga batang alagain ang aalagaan mo pag caregiver ang naging trabaho mo.Sa ngayon,nag umpisa ng tumanggap ng trabaho ng caregiving ang Japan ngunit masusing pagtanggap ang kanilang ginagawa.Kailangang makapasa ka sa Japanese proficiency test. Maari kayong magtanong sa mga agencies sa Pilipinas. May mga tao ding natatanggap sa pagiging English teacher. Ang iba ay di graduate ngunit may standard silang hinahanap na pwedeng kapantay ng isang native speaker of English. Ang iba ay classified as Assistant Language Teacher.Mga Engineers ay madalas madaling matanggap sa Japan lalo na sa larangan ng Software,IT,Computer technologies.So when you apply,try to think a lot of times kung saan ka pwede luminya. But based on my experience,pantay ang mga tao sa Japan,kahit ikaw ay natapos ng kolehiyo,maaring ang mga kasama mo ay hindi natapos ng pag-aaral..As long as may legal visa ka to work,pantay pantay ang matatanggap ninyong sweldo.Kahit saan ka pumasok ay pwede. It is for you to decide. I hope I was able to give you some ideas of the kinds of work in Japan.

Japan work...sigurado ka na ba?


      At first,we are very excited to apply for abroad. We think of our hopes and dreams for our future,our family. Once you already accepted the job, you get to know the real world. The set up of Philippine is generally different from Japan. It is from the very first day you start. A bus or van will pick you up in the morning. Kasama ang mga katrabaho mo na isa isang susunduin. Most of the companies start at 8:00 in the morning. But you must prepare as early as 6:00 A.M. Remember ,that you go along with your co-workers going to your workplace. Some companies can be reached within 15 minutes,or you can possibly in a work that can be reached for almost an hour. It is important to prepare yourself physically and psychologically. Some agencies only offer an 8-hour job but most of the companies or factories ( Kaisha )need workers that can work for more than 8 hours. It is regardless whether your work needs you to stand up all day long.Of course,there are breaktime like 5-10 minutes and another 1 hour for your lunchbreak.Japanese companies/factories have different rules.Prepare for the first day! Especially if you are used in an office set up. Most Filipinos really are mostly accepted in factories.Unless,you speak and write Japanese fluently.You might be lucky landing in an office.Pag nagka trabaho ka na,dire-direcho na yun. There might be a time that you'll be tired,depress or homesickness will follow. So,be really prepared in coming to Japan. Japan has a different setting. Walang tambay sa labas. Children play outside for a while pero hindi katulad sa atin sa Pilipinas na nasa labas ang mga bata o matanda para mag usap usap o tumambay.
Japanese are basically quiet.They want most of the time peace. Workaholic sila.That is why when a holiday comes,bongga ang pasyal nila.Japanese are very lucky,they do not need visa to enter other countries LUCKY! I guess because the government is very good.Japanese government really work for their people.They have benefits for the education of the children.The salaries are commensurate to their daily needs. Almost everybody is equal. Kung may sasakyan ang mayayaman,may sasakyan ka kahit factory worker ka.Kung nakakakain ng sushi at tempura ang mga mayayaman,lahat din ay kayang bumili. As long as you work at di ka tamad,mabuhay ka ng maayos sa malinis na kapaligiran ng Japan.Ok, sa pagiging homesick,nandyan ang mga call cards...International cards pantawag sa Pilipinas.Nasa 1,000 yen ang 24 minutes. Nandyan na ang Skype,internet. Ito ang mga panlaban mo sa homesickness. Maari kang kumuha ng cellphone na postpaid sa mga telecommunication companies here like Softbank,Docomo,AU,Willcom at iba pa.Monthly din ang bayad nito na pwedeng ibawas sa banko mo o pwede mong bayaran sa convenience store. So,I guess,for now eto ang mga pwede ko i-share.Sana maayos at maganda ang pagpunta nyo dito sa Japan. 

Internet Site references for Japan job applications.


        Hello everybody. I just want to share to you some sites in the internet that you can possibly review and see for your job applications. Be warned that these sites are posted publicly. I am not connected with any of these sites but I guess they are legitimate. Please remember to check and verify first before proceeding on your job applications. Never give money to any person or office. Use your own judgement and ask advices from people who are knowledgeable. Check our POEA ( Philippine Overseas Employment Administration) site if the company is legal for you to go to Japan.Here are some sites that I know and often read. A lot are in demand for English teachers,Engineers and other jobs as Skilled Worker.


Internet sites are the following;

www.gaijinpot.com
www.pinoylife.jp
www.silanganpilipino.com
www.daijob.com
www.jobsinjapan.com
www.jp.jobstreet.com
www.MyShigoto.com
www.work-in-japan.com
www.indeed.com
www.workabroad.ph

     There are other job internet sites. Use Google,Yahoo,Mozilla Firefox and other search engine sites to search for legal job sites. Before submitting applications,try to review your resumes.Try to make your resume as your physical self.Sell your self by stating your skills and abilities that would make you qualify for the job.Be prepared and be ready to have an email address.Some employers make phone interviews,some use Skype for video interviews.I hope you learned something in order to begin your step in applying for a job in Japan. 


TIPS...TIPS...Paano ang gastusin at pamumuhay sa Japan.

          Hi! Guys, most of you will notice that I use Tagalog in my very first blog. I created this blog to give informations to my fellow kababayans who want to go here in the future. A lot of you will wonder how much is the cost of living here. First of all,the currency of Japan is yen.Ang piso natin ay parang 100 yen kung paano gastusin sa Japan.Madalas ,pwede kang bumili sa vendo machine ng coffee,softdrinks for 100-110 yen.  Ang 100 yen ay nasa 43.00 -45.00 pesos ang palitan sa foreign exchange.Umpisahan natin sa basic,sa tirahan ,ang renta ay depende kung saan ka naka locate in Japan.Tokyo is the capital city of Japan. Home rentals are most likely like 100,000 yen and up. Mahal ang bilihin at mataas ang sweldo sa lugar bandang Tokyo area. Ang Kanto area ay Gunma,Tochigi,Ibaraki,Saitama ,Tokyo at Chiba. Mas populated halos ang lugar na ito. Mostly expats ay nasa bandang area na ito. Ang Tokai region naman ay Shizuoka, Nagoya ,Mie. Prefectures ang tawag sa mga lugar na tinatawag nilang probinsya sa Japan. But don't worry .Japan's areas are widely developed. Bihira ang remote areas in Japan. Kung ang mga tiga Tokyo ay may mall,sinehan,banks,hospitals at pasyalan,these are the same all over Japan. Although, some of course are really preserved. Puro bundok o tanawin ang ibang lugar. Sa Tokai region ay mas mababa ang renta. Nasa 30,000 - 60,000 ang mga bahay .Madami ding nasubukan na kumuha ng sariling tirahan like our own PAG-IBIG housing loan. Nasa 80,000 pataas buwan buwan na payable sa 30-35 years ang hulog sa mga bahay na ito. Ano ang itsura ng bahay sa Japan? Madalas ito ay 1 hanggang 2 o 3 kwarto. Ang banyo ay mostly may bathtub, hot and cold shower din. Most of the heaters here are built-in. Kasama sa charges ng kuryente na gamit mo sa ilaw,mga appliances. Now,medyo may idea na kayo sa bahay. Sa pang araw araw,don't worry for the first timers here.May mga nagtitinda ng Philippine food,Philippine online stores dito na pwede kang mag order for your basic food needs. Hindi nawawala ang mix ng Sinigang,Kare-Kare,bagoong at iba pa. No need to force yourself in cooking Japanese cuisines. Madalas,Philippine food pa rin ang niluluto o baon sa trabaho ng mga Pilipino dito sa Japan. Maliban na lang kung nasanay sa lutong hapon kapag Hapon ang asawa ng babae o lalaki dito. Sa pag alis alis o pamamasyal, ang bus dito ay may oras. Sa bawat lugar ay may bus stand.Sa bus stand ,doon nakalagay ang numero ng bus at oras na dadaan ang bus. May mga taxi na medyo mahal pero kung malayo o may bitbit na dala,mas practical ang taxi. Pinapayagan ang mga Pilipino na magkaroon ng sariling sasakyan as long as may Japanese driver's license. Ang International driver's license ay para sa turista lang at saglit na panahon lang na pinapayagang gamitin kung ikaw ay residente. I guess,sa maigsing information ay nakapagbigay sana ako sa inyo ng idea kung paano ang pamumuhay dito sa Japan.

Hanap Buhay sa Japan ng mga Filipino.


       Marami ang nangangarap pumunta sa bansang Japan. Isa sa magandang bansa sa Asia na malinis ang kapaligiran at maayos na sistema ng pamumuhay. Una,paano nga ba makakapunta at makakapag trabaho ang mga Pilipino dito sa Japan. Sa batas ng Japan, ang mga taong maaring legal na manirahan ay ang mga taong may lahi o dugong hapon. Ang mga ninuno o naunang henerasyon ng isang taong nagkaasawa ng ''Japanese'' ay nabibigyan ng opportunidad na pumunta dito at legal na manirahan at makapagtrabaho.Ayon sa historya,nung panahon ng ''Japanese war'',marami ang mga Hapon na nanirahan sa Pilipinas at nakapag asawa ng mga Pilipina. Sa pagdaan ng henerasyon,ang mga sumunod na henerasyon hanggang sa 4th na henerasyon ay may pribihileyo na pumunta ng Japan kung nanaiisin. Ang ibang taong naninirahan dito ay mga Pilipina na nakapag trabaho dito sa mga bar,clubs o iba't ibang ahensya. Bukod dito, madalang ang may pagkakataon na tumira dito. Ang ibang nagnanais na makapagtrabaho ay kailangan kumonsulta sa Japan Immigration. Ang mga Skilled worker o may sponsor ay maari ring makapagtrabaho dito sa Japan.
        
      Ang mga Nikkeijin ( may lahing hapon) ay madalas nakakapasok sa trabaho sa pamamagitan ng Hakken Kaisha o Agency nila dito. Mas madalas,agency ang dinadaanan ng mga Pilipino para makapag trabaho sa mga electrical companies,food companies at iba pang trabaho sa Japan. Ang kailangan ay ang pasaporte at Alien card. Sa kasalukuyan,ang Alien Card ay pinalitan na ng Residence Card. Mas mainam din na may work permit galing Japan immigration sa pag apply sa trabaho. Sa interview, kinakailangan lang na ipakita ang pasaporte at Residence Card. Sulatan ang mga papeles na hinihinging impormasyong personal katulad ng pangalan,tirahan at iba pa. Madali lang ang pagpasok sa trabaho kung ikaw ay matanggap na. Ang sweldo sa bansang Japan ay buwanan hindi katulad sa Pilipinas na dalawang beses sa isang buwan kung sumuweldo ang mga tao. Madalas,ang sweldo ay may pondo ng isang buwan. Halimbawa ,ang kada oras mo ay 850 yen sa babae,1000 yen kada oras sa lalaki.May karagdagan na 25% ang kada oras sa overtime pay. Ang mga araw na natrabaho mo ng Mayo ay matatanggap mo ng buwan ng Hunyo. Ganito ang pamamaraan ng pagtratrabaho sa Japan. Madalas ang broker ( agency) ay sumusundo at hatid mula sa iyong tinitirahan. Ang bayad ay depende sa broker mo.May mga ahensya na nagbibigay ng libreng sogei. ( sundo). Ang iba ay may singil na kakaltasin sa oras ng sahod ng trabahador.

HanapBuhay Japan ay nag nanais na makapaglahad ng impormasyon na makakatulong sa mga nagnanais pumunta sa bansang Hapon.