Sunday, May 4, 2014

Hanap Buhay sa Japan ng mga Filipino.


       Marami ang nangangarap pumunta sa bansang Japan. Isa sa magandang bansa sa Asia na malinis ang kapaligiran at maayos na sistema ng pamumuhay. Una,paano nga ba makakapunta at makakapag trabaho ang mga Pilipino dito sa Japan. Sa batas ng Japan, ang mga taong maaring legal na manirahan ay ang mga taong may lahi o dugong hapon. Ang mga ninuno o naunang henerasyon ng isang taong nagkaasawa ng ''Japanese'' ay nabibigyan ng opportunidad na pumunta dito at legal na manirahan at makapagtrabaho.Ayon sa historya,nung panahon ng ''Japanese war'',marami ang mga Hapon na nanirahan sa Pilipinas at nakapag asawa ng mga Pilipina. Sa pagdaan ng henerasyon,ang mga sumunod na henerasyon hanggang sa 4th na henerasyon ay may pribihileyo na pumunta ng Japan kung nanaiisin. Ang ibang taong naninirahan dito ay mga Pilipina na nakapag trabaho dito sa mga bar,clubs o iba't ibang ahensya. Bukod dito, madalang ang may pagkakataon na tumira dito. Ang ibang nagnanais na makapagtrabaho ay kailangan kumonsulta sa Japan Immigration. Ang mga Skilled worker o may sponsor ay maari ring makapagtrabaho dito sa Japan.
        
      Ang mga Nikkeijin ( may lahing hapon) ay madalas nakakapasok sa trabaho sa pamamagitan ng Hakken Kaisha o Agency nila dito. Mas madalas,agency ang dinadaanan ng mga Pilipino para makapag trabaho sa mga electrical companies,food companies at iba pang trabaho sa Japan. Ang kailangan ay ang pasaporte at Alien card. Sa kasalukuyan,ang Alien Card ay pinalitan na ng Residence Card. Mas mainam din na may work permit galing Japan immigration sa pag apply sa trabaho. Sa interview, kinakailangan lang na ipakita ang pasaporte at Residence Card. Sulatan ang mga papeles na hinihinging impormasyong personal katulad ng pangalan,tirahan at iba pa. Madali lang ang pagpasok sa trabaho kung ikaw ay matanggap na. Ang sweldo sa bansang Japan ay buwanan hindi katulad sa Pilipinas na dalawang beses sa isang buwan kung sumuweldo ang mga tao. Madalas,ang sweldo ay may pondo ng isang buwan. Halimbawa ,ang kada oras mo ay 850 yen sa babae,1000 yen kada oras sa lalaki.May karagdagan na 25% ang kada oras sa overtime pay. Ang mga araw na natrabaho mo ng Mayo ay matatanggap mo ng buwan ng Hunyo. Ganito ang pamamaraan ng pagtratrabaho sa Japan. Madalas ang broker ( agency) ay sumusundo at hatid mula sa iyong tinitirahan. Ang bayad ay depende sa broker mo.May mga ahensya na nagbibigay ng libreng sogei. ( sundo). Ang iba ay may singil na kakaltasin sa oras ng sahod ng trabahador.

HanapBuhay Japan ay nag nanais na makapaglahad ng impormasyon na makakatulong sa mga nagnanais pumunta sa bansang Hapon.

1 comment:

  1. Awesome blog. I enjoyed reading your articles. This is truly a great read for me. I have bookmarked it and I am looking forward to reading new articles. Keep up the good work!
    https://www.glentzes.gr/votanikos-mpouzoukia

    ReplyDelete