Hi! Guys, most of you will notice that I use Tagalog in my very first blog. I created this blog to give informations to my fellow kababayans who want to go here in the future. A lot of you will wonder how much is the cost of living here. First of all,the currency of Japan is yen.Ang piso natin ay parang 100 yen kung paano gastusin sa Japan.Madalas ,pwede kang bumili sa vendo machine ng coffee,softdrinks for 100-110 yen. Ang 100 yen ay nasa 43.00 -45.00 pesos ang palitan sa foreign exchange.Umpisahan natin sa basic,sa tirahan ,ang renta ay depende kung saan ka naka locate in Japan.Tokyo is the capital city of Japan. Home rentals are most likely like 100,000 yen and up. Mahal ang bilihin at mataas ang sweldo sa lugar bandang Tokyo area. Ang Kanto area ay Gunma,Tochigi,Ibaraki,Saitama ,Tokyo at Chiba. Mas populated halos ang lugar na ito. Mostly expats ay nasa bandang area na ito. Ang Tokai region naman ay Shizuoka, Nagoya ,Mie. Prefectures ang tawag sa mga lugar na tinatawag nilang probinsya sa Japan. But don't worry .Japan's areas are widely developed. Bihira ang remote areas in Japan. Kung ang mga tiga Tokyo ay may mall,sinehan,banks,hospitals at pasyalan,these are the same all over Japan. Although, some of course are really preserved. Puro bundok o tanawin ang ibang lugar. Sa Tokai region ay mas mababa ang renta. Nasa 30,000 - 60,000 ang mga bahay .Madami ding nasubukan na kumuha ng sariling tirahan like our own PAG-IBIG housing loan. Nasa 80,000 pataas buwan buwan na payable sa 30-35 years ang hulog sa mga bahay na ito. Ano ang itsura ng bahay sa Japan? Madalas ito ay 1 hanggang 2 o 3 kwarto. Ang banyo ay mostly may bathtub, hot and cold shower din. Most of the heaters here are built-in. Kasama sa charges ng kuryente na gamit mo sa ilaw,mga appliances. Now,medyo may idea na kayo sa bahay. Sa pang araw araw,don't worry for the first timers here.May mga nagtitinda ng Philippine food,Philippine online stores dito na pwede kang mag order for your basic food needs. Hindi nawawala ang mix ng Sinigang,Kare-Kare,bagoong at iba pa. No need to force yourself in cooking Japanese cuisines. Madalas,Philippine food pa rin ang niluluto o baon sa trabaho ng mga Pilipino dito sa Japan. Maliban na lang kung nasanay sa lutong hapon kapag Hapon ang asawa ng babae o lalaki dito. Sa pag alis alis o pamamasyal, ang bus dito ay may oras. Sa bawat lugar ay may bus stand.Sa bus stand ,doon nakalagay ang numero ng bus at oras na dadaan ang bus. May mga taxi na medyo mahal pero kung malayo o may bitbit na dala,mas practical ang taxi. Pinapayagan ang mga Pilipino na magkaroon ng sariling sasakyan as long as may Japanese driver's license. Ang International driver's license ay para sa turista lang at saglit na panahon lang na pinapayagang gamitin kung ikaw ay residente. I guess,sa maigsing information ay nakapagbigay sana ako sa inyo ng idea kung paano ang pamumuhay dito sa Japan.
No comments:
Post a Comment