Sunday, May 4, 2014

What are the kinds of work in Japan?



      First and foremost, let me just share what kind of work you will have in Japan. Most of the companies here are considered factories. Kahit gaano kalinis o maayos, basta hindi sya paper works o office work. Kaisha ang tawag kung saan nagtatrabaho ang mga Pilipino dito.Since ang Japan ay Industrial country,madalas dito ay electrical o car parts work. Ang lalaki ay madalas may welding,bihira na ang manual. Madalas tinatawag nilang robot ang nagtatrabaho. May nangangailangan din ng welding, pagbubuhat.May napupunta sa gemba. Ang gemba ay trabaho ng nasa labas ,wala sa loob ng kaisha katulad ng pagsemento,pang construction at iba pa. Ang trabahong pambabae naman ay karamihan nasa Sharp,Panasonic,Sony at iba pa. Madalas,kensa o Quality control inspection o assembly ang trabaho. May mga tao din napupunta sa housekeeping. Ang iba ay nakakapagtrabaho bilang caregivers.Ang mga walang lisensya na caregiver ay tinatawag na caregiver helpers. Madalas ,marunong ng magsalita at magbasa ng Nihonggo ( Japanese language) ang mga nasa trabahong ito.Maselan. ang mga Hapon. Kaya importante na alam mo makipag usap sa kanilang language. Madalas ,matanda at mga batang alagain ang aalagaan mo pag caregiver ang naging trabaho mo.Sa ngayon,nag umpisa ng tumanggap ng trabaho ng caregiving ang Japan ngunit masusing pagtanggap ang kanilang ginagawa.Kailangang makapasa ka sa Japanese proficiency test. Maari kayong magtanong sa mga agencies sa Pilipinas. May mga tao ding natatanggap sa pagiging English teacher. Ang iba ay di graduate ngunit may standard silang hinahanap na pwedeng kapantay ng isang native speaker of English. Ang iba ay classified as Assistant Language Teacher.Mga Engineers ay madalas madaling matanggap sa Japan lalo na sa larangan ng Software,IT,Computer technologies.So when you apply,try to think a lot of times kung saan ka pwede luminya. But based on my experience,pantay ang mga tao sa Japan,kahit ikaw ay natapos ng kolehiyo,maaring ang mga kasama mo ay hindi natapos ng pag-aaral..As long as may legal visa ka to work,pantay pantay ang matatanggap ninyong sweldo.Kahit saan ka pumasok ay pwede. It is for you to decide. I hope I was able to give you some ideas of the kinds of work in Japan.

No comments:

Post a Comment